Kapag ang tiwala and nawala : buhay salaysay ng mga bilanggong ina sa palalawigang bilangguan ng Kabite / by April Joy Kabingue and Eldon Jon R. Rollon.

By: Contributor(s): Material type: TextTextLanguage: Filipino Publication details: Indang, Cavite : Cavite State University- Main Campus, 2018.Description: xviii, 86 pages : illustrations ; 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s): DDC classification:
  • 364.68 K11 2018
Online resources: Production credits:
  • College of Arts and Sciences (CAS)
Abstract: KABINGUE, APRIL JOY T., ROLLON, ELDON JON R. "Kapag ang Tiwala ang Nawala: Buhay Salaysay ng mga Bilanggong Ina sa Panlalawigang Bilangguan ng Kabite". Mababang gradwado ng tesis. Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya. Cavite State University, Indang, Cavite. Marso 2018. Tagapayo: G. John Christian Paolo M. Belen, RPm. Isinagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ang iba't ibang buhay salaysay ng mga bilanggong ina sa Panlalawigang Bilangguan ng Kabite sa Lungsod ng Trece Martires. Nais malaman ng mga mananaliksik ang (l) klase ng buhay ng mga bilanggong ina bago ang pagkakabilanggo; (2) karanasan bilang ina bago at habang nakakulong; (3) mga naging bunga ng pagkakabilanggo ng mga ina sa relasyon sa kanilang anak; at (4) mga suliraning kinakaharap ng isang bilanggong ina sa bilangguan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa simula Setyembre 2017 hanggang Marso 2018. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng dalawa sa katutubong pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit sa Sikolohiyang Pilipino— ang (1) pakikiramdam at (2) pagtatanung-tanong. Ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga kalahok ay Purposive Samling. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay walong (8) bilanggong ina sa Panlalawigang Bilangguan ng Kabite sa Lungsod ng Trece Martires na may edad tatlumpu (30) hanggang limampu't lima (55), anuman ang kanilang kaso napatunayan man o hindi, at may isa o higit pang bilang ng mga anak. Ang mga salaysay na ibinahagi ng mga kalahok ay sinuri sa pamamagitan ng naratibong pag-aanalisa o Narrative analysis upang makabuo ng isang kongkretong salaysay ng mga buhay ng mga bilanggong ina. Base sa mga datos na nakuha mula sa pakikipanayam at sa pag-aanalisa ng mga buhay salaysay ng mga bilanggong ina, nabuo ang kongklusyon na sasagot sa mga suliraning inilahad sa pag-aaral na ito. Nalaman sa ginawang pag-aaral na karamihan sa mga bilanggong ina na nakapanayam ay nagmula sa mahirap na pamumuhay sa labas ng bilangguan. Pangunahin nilang suliranin ay kakapusan o kawalan ng pera na pangsuporta sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Ilan sa mga kalahok ay napasok sa iligal na gawain dahil sa hirap ng buhay upang magkaroon sila ng pera na panggastos ng pamilya. May masasayang karanasan at hirap na dinanas rin ang mga kalahok sa pagiging ina bago at habang sila ay nasa bilangguan. Ang pagsilang sa anak ay nagdulot ng kasiyahan sa mga ina ngunit nagkaroon ng agam-agam sa kung paano mapapalaki ang mga ito. Nagkakaroon sila ng bonding o pagsasama-sama sa 100b at labas ng tahanan noong kasa-kasama pa ang mga anak sa laya. Ngayong nasa bilangguan na sila, ilan sa kanila ay nakakasama pa din ang mga anak sa pagdalaw nila sa kulungan samantalang ang iba naman sa kanila ay bihira o hindi na ndadalaw ng mga anak nasa malalayong lugar. Karamihan sa mga kalahok ay mayroong hanapbuhay sa 100b ng bilangguan na nagsisilbing libangan nila at pinagkukuhanan ng panggastos sa araw-araw na pamumuhay nila sa 100b at ang iba naman ay pangsuporta sa pamilya sa labas ng bilangguan. Masasabing karamihan sa mga bilanggong ina ay nakararanas ng pagbabago sa relasyon nila sa kanilang mga analc Ang ilan sa kanila ay hindi kinakitaan ng pagbabago sa pakikitungo ng kanilang mga anak sa kanilang nabilanggong ina. Lahat sa mga kalahok ay nakararanas ng kalungkutan sa pagkakabilanggo dulot ng pagkasabik sa mga anak, kagustuhang makalaya at ang mismong lungkot at hirap na dinaranas nila sa matagal na pamamalagi nila sa 100b ng bilangguan. Sa pag-aaral na ito, ang mga datos na nakalap at resultang nabuo ay nagrerepresenta lamang sa mga bilanggong ina na naging kalahok sa pag-aaral na ito at hindi sa pangkalahatang bilang ng mga bilanggong ina.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Collection Call number Materials specified URL Status Notes Date due Barcode
Theses / Manuscripts Theses / Manuscripts Ladislao N. Diwa Memorial Library Theses Section Non-fiction 364.68 K11 2018 (Browse shelf(Opens below)) Link to resource Room use only T-7381 00011727

Thesis (Bachelor of Science in Psychology) Cavite State University

Includes bibliographical references.

College of Arts and Sciences (CAS)

KABINGUE, APRIL JOY T., ROLLON, ELDON JON R. "Kapag ang Tiwala ang Nawala: Buhay Salaysay ng mga Bilanggong Ina sa Panlalawigang Bilangguan ng Kabite". Mababang gradwado ng tesis. Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya. Cavite State University, Indang, Cavite. Marso 2018. Tagapayo: G. John Christian Paolo M. Belen, RPm.
Isinagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ang iba't ibang buhay salaysay ng mga bilanggong ina sa Panlalawigang Bilangguan ng Kabite sa Lungsod ng Trece Martires. Nais malaman ng mga mananaliksik ang (l) klase ng buhay ng mga bilanggong ina bago ang pagkakabilanggo; (2) karanasan bilang ina bago at habang nakakulong; (3) mga naging bunga ng pagkakabilanggo ng mga ina sa relasyon sa kanilang anak; at (4) mga suliraning kinakaharap ng isang bilanggong ina sa bilangguan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa simula Setyembre 2017 hanggang Marso 2018.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng dalawa sa katutubong pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit sa Sikolohiyang Pilipino— ang (1) pakikiramdam at (2) pagtatanung-tanong. Ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga kalahok ay
Purposive Samling. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay walong (8) bilanggong ina sa
Panlalawigang Bilangguan ng Kabite sa Lungsod ng Trece Martires na may edad tatlumpu
(30) hanggang limampu't lima (55), anuman ang kanilang kaso napatunayan man o hindi,
at may isa o higit pang bilang ng mga anak.
Ang mga salaysay na ibinahagi ng mga kalahok ay sinuri sa pamamagitan ng naratibong pag-aanalisa o Narrative analysis upang makabuo ng isang kongkretong salaysay ng mga buhay ng mga bilanggong ina.
Base sa mga datos na nakuha mula sa pakikipanayam at sa pag-aanalisa ng mga buhay salaysay ng mga bilanggong ina, nabuo ang kongklusyon na sasagot sa mga suliraning inilahad sa pag-aaral na ito.
Nalaman sa ginawang pag-aaral na karamihan sa mga bilanggong ina na nakapanayam ay nagmula sa mahirap na pamumuhay sa labas ng bilangguan. Pangunahin nilang suliranin ay kakapusan o kawalan ng pera na pangsuporta sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Ilan sa mga kalahok ay napasok sa iligal na gawain dahil sa hirap ng buhay upang magkaroon sila ng pera na panggastos ng pamilya.
May masasayang karanasan at hirap na dinanas rin ang mga kalahok sa pagiging ina bago at habang sila ay nasa bilangguan. Ang pagsilang sa anak ay nagdulot ng kasiyahan sa mga ina ngunit nagkaroon ng agam-agam sa kung paano mapapalaki ang mga ito. Nagkakaroon sila ng bonding o pagsasama-sama sa 100b at labas ng tahanan noong kasa-kasama pa ang mga anak sa laya. Ngayong nasa bilangguan na sila, ilan sa kanila ay nakakasama pa din ang mga anak sa pagdalaw nila sa kulungan samantalang ang iba naman sa kanila ay bihira o hindi na ndadalaw ng mga anak nasa malalayong lugar.
Karamihan sa mga kalahok ay mayroong hanapbuhay sa 100b ng bilangguan na nagsisilbing libangan nila at pinagkukuhanan ng panggastos sa araw-araw na pamumuhay nila sa 100b at ang iba naman ay pangsuporta sa pamilya sa labas ng bilangguan.
Masasabing karamihan sa mga bilanggong ina ay nakararanas ng pagbabago sa relasyon nila sa kanilang mga analc Ang ilan sa kanila ay hindi kinakitaan ng pagbabago sa pakikitungo ng kanilang mga anak sa kanilang nabilanggong ina. Lahat sa mga kalahok ay nakararanas ng kalungkutan sa pagkakabilanggo dulot ng pagkasabik sa mga anak,

kagustuhang makalaya at ang mismong lungkot at hirap na dinaranas nila sa matagal na pamamalagi nila sa 100b ng bilangguan.
Sa pag-aaral na ito, ang mga datos na nakalap at resultang nabuo ay nagrerepresenta lamang sa mga bilanggong ina na naging kalahok sa pag-aaral na ito at hindi sa pangkalahatang bilang ng mga bilanggong ina.

Submitted to the University Library T-7381

Copyright © 2023. Cavite State University | Koha 23.05