Pagsusuri sa pangangalaga sa kapayapaan at karapatan ng mga OFW’s batay sa karanasan ng mga kasapi ng Migrante International / by Laya A. Villanueva
Material type: TextLanguage: Filipino Publication details: Indang, Cavite : Cavite State University- Main Campus, 2018.Description: xi , 220 pages : illustrations ; 28 cmContent type:- text
- unmediated
- volume
- 331.6259 V61 2018
- College of Arts and Sciences (CAS), Department of Social Sciences and Humanities
Item type | Current library | Collection | Call number | Materials specified | URL | Status | Notes | Date due | Barcode |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Theses / Manuscripts | Ladislao N. Diwa Memorial Library Theses Section | Non-fiction | 331.6259 V61 2018 (Browse shelf(Opens below)) | Link to resource | Room use only | T-7619 | 00077179 |
Thesis (Bachelor of Arts in Political Science) Cavite State University.
Includes bibliographical references.
College of Arts and Sciences (CAS), Department of Social Sciences and Humanities
VILLANUEVA, LAVA A., Pagsusuri sa Pangangalaga sa Kapakanan at Karapatan ng mga OFWs Batay sa Karanasan ng mga Kasapi ng Migrante International. Batsilyer ng Sining sa Agham Pampolitika, Pampamahalaang Pamantasan ng Cavite, Indang, Cavite. Mayo 2018. Tagapayo: G. Gil D. Ramos.
Nilayon ng pananaliksik na ito na alamin ang aktuwal na karanasan ng mga OFW o naging OFW na miyembro ng Migrante International, upang malaman kung naitataguyod at napangangalagaan ba ang kanilang mga karapatan at kapakanan habang sila ay nasa ibang bansa. Sa mas tiyak na pagtingin, nilayon nitong malaman kung paano binigyang kahulugan ng mga OFW na kasapi ng nasabing organisasyon ang kanilang mga karanasan sa usapin ng pangangalaga sa kanilang kapakanan at karapatan habang sila ay nasa ibang bansa, sa paanong paraan nakatugon o hindi nakatulong ang organisasyong kanilang kinabibilangan sa pangangalaga sa kanilang kapakanan at karapatan at paano nakikita ng mga OFW na kasapi ng Migrante International ang hakbangin ng pamahalaan ng Pilipinas upang matugunan ang kanilang mga nararanasan sa usapin ng pangangalaga sa kanilang kapakanan at karapatan. Tinitingnan ng mga OFW na kasapi ng Migrante International na isang pangangailangan ang pagluwas sa ibang bansa upang magtrabaho dahil sa ito lamang ang tangi nilang pagpipilian upang makaligtas sa mismong kalagayan ng bansa na walang sapat na trabaho at kung meron man ay hindi naman nakabubuhay o hindi sapat ang kits upang magkaroon ng disenteng pamumuhay dahil sa hindi pantay na oportunidad na umiiral sa bansa. Ayon sa mga nakapanayam, ang organisasyong Migrante ay naging isang alternatibong ahensya o isang tagapagitan/naglalapit sa mga OFW at pamahalaan na siyang tumutugon sa mga reklamo, paghingi ng saklolo o mga sitwasyong nangangailangan ng madaliang aksyon, sapagkat ang nakasalalay ay ang huhay ng bawat OFW na humihingi rin ng madaliang tulong. Ang pagiging mabagal at kakulangan ng inisyatiba ng gobyerno upang subaybayan ang mga mamamayan nito sa ibang bansa ay nagbibigay ng negatibong impresyon sa mga OFW na miyembro ng Migrante International at pagtingin na hindi seryoso ang pamahalaan sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga OFW, sa kabila ng kaliwa't kanang mga kasunduan na nagpapahintulot sa mga Filipino upang magtrabaho sa kung saan-saang parte ng mundo.
Submitted to the University Library August 16, 2018 T-7619