Paggamit ng kaisipang "bahala na" ng mga piling manggagawa ng Dasmariñas, Cavite / by Leahlyn S. Jose, Camille D. Limoico, and Joanne L. Trias

By: Contributor(s): Material type: TextTextLanguage: Filipino Publication details: Indang, Cavite : Cavite State University- Main Campus, 2017.Description: xv, 98 pages : illustrations ; 28 cmContent type:
  • text
Media type:
  • unmediated
Carrier type:
  • volume
Subject(s): DDC classification:
  • 650.1 J77 2017
Online resources: Production credits:
  • College of Arts and Sciences (CAS)
Abstract: JOSE, LEAHLYN S., LIMOICO, CAMILLE D., TRIAS, JOANNE L. "Paggamit ng kaisipang "bahala na" ng mga piling manggagawa ng Dasmarifias City, Cavite.Mababang gradwado ng tesis.Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya. Cavite State University, Indang, Cavite. April 2017. Tagagabay: Gng. Joy N. Babaan, RPm. Ang mga mananaliksik ay nais malaman ang paggamit ng kaisipang "bahala na" ng mga piling manggagawa. Ang pananaliksik na ito ay upang malaman ang mga sumusunod: (l) ano ang kaugnayan ng kaisipang "bahala na" sa kanilang napiling trabaho; (2) anu-anong mga sitwasyon madalas ginagamit ng mga piling manggagawa ang kaisipang "bahala na"; at (3) paano ginagamit ng mga piling manggagawa ang kaisipang "bahala na"bilang paraan ng pag-angkop. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa simula Agosto 2016 hanggang Abril 2017. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pananaliksik buhay-salaysay bilang disenyo ng pananaliksik at semi-stuctured interview naman upang makakalap ng mga datos mula sa kalahok.Ang mga kalahok ay pitong (7) piling manggagawa ng Dasmariñas City, Cavite na tumutukoy sa underemployed. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga gabay na tanongsa pakikipanayam kaugnay sa isasagawang pag-aaral kung saan ito ay sinuri ng mga eksperto. Ang bawat salaysay ng pitong kalahok sa mga karanasan ng paggamit ng kaisipang "bahala na" ay binigyan ng mga pinaka tema: paggawa ng desisyon sa kinakaharap na sitwasyon, pagsasakripisyo, subukin ang isang sitwasyon, subukin ang kinakaharap na sitwasyon,paghingi ng gabay at pananalig sa Diyos, pagsisikap at pananalig sa Diyos at pagiging negatibo at panghihinayang. Natuklasan din na ang kaugnayan ng kaisipang "bahala na" sa kanilang napiling trabaho ayanim sa mga kalahok naginamit ang kaisipang ito upang subukan ang anumang klaseng trabaho upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at responsibilidad sa buhay. Habang ang isa naman sa mga ito ay tanging lakas ng 100b at pananalig sa Diyos ang naging tugon sa paggamit ng kaisipang "bahala na" sa kanyang paghahanap ng mapapasukang trabaho. Madalas naman nagagamit ng mga kalahok ang kaisipang "bahala na" sa mga sitwasyon tulad ng mg sumusunod: mahirap o alanganing sitwasyon ,pagtugon sa responsibilidad, gahol sa oras,hindi pamilyar na gawain,hayaan nalang ang mga mangyayari (allow things to happen), pag-ayon sa sitwasyon (go Wilh the flow), walang pagpipilian o may pagpipilian at upang hindi paasahin ang sasabihan. Habang ang paraan naman ng pag-aangkop ng mga piling manggagawa sa paggamit ng kaisipang "bahala na" ay pag-iisip ng maaaring angkop na solusyon sa kinakaharap na sitwasyon bago humantong sa paggamit ng kaisipang "bahala na". Bagamat may pakiramdam napangamba, takot, panghihinayang at kinakabahan sa tuwing nagagamit nila ang kaisipang "bahala na" sila ay patuloy na umaasa na magiging maayos ang kanilang ginawang aksiyon at handa sa magiging kahihitnan nito at magpapatuloy na harapin ang walang kasiguraduhang sitwasyon.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Collection Call number Materials specified URL Status Notes Date due Barcode
Theses / Manuscripts Theses / Manuscripts Ladislao N. Diwa Memorial Library Theses Section Non-fiction 650.1 J77 2017 (Browse shelf(Opens below)) Link to resource Room use only T-7063 00000219

Theses (Bachelor of Science in Psychology) Cavite State University

Includes bibliographical references.

College of Arts and Sciences (CAS)

JOSE, LEAHLYN S., LIMOICO, CAMILLE D., TRIAS, JOANNE L. "Paggamit ng kaisipang "bahala na" ng mga piling manggagawa ng Dasmarifias City, Cavite.Mababang gradwado ng tesis.Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya. Cavite State University, Indang, Cavite. April 2017. Tagagabay: Gng. Joy N. Babaan, RPm.
Ang mga mananaliksik ay nais malaman ang paggamit ng kaisipang "bahala na" ng mga piling manggagawa. Ang pananaliksik na ito ay upang malaman ang mga sumusunod: (l) ano ang kaugnayan ng kaisipang "bahala na" sa kanilang napiling trabaho; (2) anu-anong mga sitwasyon madalas ginagamit ng mga piling manggagawa ang kaisipang "bahala na"; at (3) paano ginagamit ng mga piling manggagawa ang kaisipang "bahala na"bilang paraan ng pag-angkop. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa simula Agosto 2016 hanggang Abril 2017.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pananaliksik buhay-salaysay bilang disenyo ng pananaliksik at semi-stuctured interview naman upang makakalap ng mga datos mula sa kalahok.Ang mga kalahok ay pitong (7) piling manggagawa ng Dasmariñas City, Cavite na tumutukoy sa underemployed. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga gabay na tanongsa pakikipanayam kaugnay sa isasagawang pag-aaral kung saan ito ay sinuri ng mga eksperto.
Ang bawat salaysay ng pitong kalahok sa mga karanasan ng paggamit ng kaisipang "bahala na" ay binigyan ng mga pinaka tema: paggawa ng desisyon sa kinakaharap na sitwasyon, pagsasakripisyo, subukin ang isang sitwasyon, subukin ang kinakaharap na sitwasyon,paghingi ng gabay at pananalig sa Diyos, pagsisikap at pananalig sa Diyos at pagiging negatibo at panghihinayang.
Natuklasan din na ang kaugnayan ng kaisipang "bahala na" sa kanilang napiling trabaho ayanim sa mga kalahok naginamit ang kaisipang ito upang subukan ang anumang klaseng trabaho upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at responsibilidad sa buhay. Habang ang isa naman sa mga ito ay tanging lakas ng 100b at pananalig sa Diyos ang naging tugon sa paggamit ng kaisipang "bahala na" sa kanyang paghahanap ng mapapasukang trabaho.
Madalas naman nagagamit ng mga kalahok ang kaisipang "bahala na" sa mga sitwasyon tulad ng mg sumusunod: mahirap o alanganing sitwasyon ,pagtugon sa responsibilidad, gahol sa oras,hindi pamilyar na gawain,hayaan nalang ang mga mangyayari (allow things to happen), pag-ayon sa sitwasyon (go Wilh the flow), walang pagpipilian o may pagpipilian at upang hindi paasahin ang sasabihan.
Habang ang paraan naman ng pag-aangkop ng mga piling manggagawa sa paggamit ng kaisipang "bahala na" ay pag-iisip ng maaaring angkop na solusyon sa kinakaharap na sitwasyon bago humantong sa paggamit ng kaisipang "bahala na". Bagamat may pakiramdam napangamba, takot, panghihinayang at kinakabahan sa tuwing nagagamit nila ang kaisipang "bahala na" sila ay patuloy na umaasa na magiging maayos ang kanilang ginawang aksiyon at handa sa magiging kahihitnan nito at magpapatuloy na harapin ang walang kasiguraduhang sitwasyon.

Submitted to the University Library T-7063

Copyright © 2023. Cavite State University | Koha 23.05